5 Miyembro ng NPA sumuko sa Marines

Security & Defense

Limang miyembro ng Communist New People’s Army Terrorist (CNT) na nabibilang sa katutubong Dulangan-Manobo ay kusang sumuko sa Marine Battalion Landing Team-2 sa pamumuno ng 1st Marine Brigade dahil sa pinaigting na Focus Military Operations at Stakeholders Engagement sa kabundukan ng Kalamansig, Sultan kudarat noong Octubre 13, 2018.

Tatlo sa mga sumuko ay menor de edad at miyembro ng Local Guerilla na Unit 1 (LGU 1) ng Guerilla Front 73, Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC).

Ang mga sumuko ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st Marine Brigade upang dumaan sa sikolohikal na rehabilitasyon upang matulungan sila na baguhin ang kanilang pamumuhay at mabigyan ng kauukulang kabuhayan sa pamamagitan ng programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Ayon sa mga sumuko, napagtanto nila na ang mga pinangako ng mga teroristang grupo ay puro kasinungalingan at panloloko. Sila ay hinikayat ng mga terorista na sumapi sa kilusan sa pamamagitan ng pananakot at mga pangakong halos kabulaanan upang tumaliwas sa gobyerno

Sila ay pinangakuan din na maibigay ang kanilang lupain sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), mabigyan ng kabuhayan at magpapatayo ng paaralan.


Dagdag pa ng mga sumuko na dumaan sila sa masusing pagsasanay-militar at naging aktibo sa mga rally sa Davao, Gensan, Marbel at iba pang lugar. Nagpalipat-lipat sila sa ibat-ibang barangay upang maanghikayat ng panibagong miyembro at naging dahilan umaano ito na napapabayaan nila ang kanilang mga pamilya at kabuhayan.

Sa ilang taong pakikibaka nila ni isa sa pinangako ng grupo ay walang natupad at patuloy sila na ginagamit at tinatakot upang protektahan at suportahan ang nasabing grupo.


Ang lokal na pamahalaan ng Kalamansig ay handang sumuporta sa ating mga kapatid na nagbalik-loob sa pamahalaan pati na rin sa mga nagnanais na sumuko.

“Ang inyong 1st Marine Brigade ay patuloy na pinaiigting ang paghihimok sa mga CNT na sumuko sa pamahalaan at magbagong buhay at makakaasa po kayo na ang inyong Marines ay patuloy na susuportahan ang lahat ng mga adhikain at programa ng ating pamahalaan tungo sa mapayapa, matatag at maunlad na pamayanan,” saad ni 1st Marine Brigade Commander Col. Eugenion V. Hernandez.

Ang Commander ng Joint Task Force Central, Maj. Gen. Cirilito E. Sobejana, ay pinupuri ang mga tropa ng 1st Marine Brigade sa pamumuno ni Col. Hernandez dahil sa boluntaryong pagsuko ng 5 miyembro ng NPA. 6ID

Source: https://www.facebook.com/kampilantroopers/posts/925423667664111