Trillanes: Komo tameme sa Recto Bank issue, nanay ko pinagdiskitahan

Politics & Governance

“Komo tameme si Duterte sa Recto Bank issue, Nanay ko na naman ang pinagdiskitahan. Iniiba lang nya ang usapan,” Senator Trillanes said after President Duterte tagged Trillanes’ mother and Napoles in substandard Kevlar helmets delivery to military.

“Wagas magsinungaling si Duterte kasi natatandaan pa ng mga tao na ang mga substandard na Kevlar helmets na yan ay isa sa mga issues na inireklamo namin nung Oakwood Incident. Kung may kinalaman ang mga magulang ko dyan, dapat nun pa lang, nilabas na ni GMA yan at ginamit laban sakin,” Trillanes said in a statement.

He added that his father was never assigned at the Philippine Military Academy (PMA). “[A]ng Tatay ko ay nagretire nung 1988 at namatay nung 1998. Hindi rin sya naassign sa PMA. Ako naman ay pumasok sa PMA nung 1991 at nag graduate nung 1995. Sa madaling salita, hindi kami nag abot sa serbisyo,” he said.

“Ang Nanay ko naman, sa pagkaalala ko, ay huminto na sa pagnenegosyo bago pa ako pumasok sa PMA at hanggang ngayon na 85 years old at bedridden na sya, wala pa rin syang naging kaso ukol sa katiwalian o anu pa man,” he added.


“[H]inahamon ko si Duterte na magpursigi pa sa pagimbestiga at haharapin namin yan,” he added. “Gaya na naman ito nung bintang ni Duterte sakin ukol sa offshore bank accounts na napaamin sya na inimbento lang nya.”