Sa araw na ito nagsisimula ang pinaigting na serbisyo: Bong Go

Politics & Governance

“Hindi nagtatapos sa halalang ito ang ating pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Kung tutuusin, sa araw na ito nagsisimula ang mas pinaigting na pagsiserbisyo natin sa sambayanang Pilipino,” said senatorial candidate Bong Go who currently ranks 3rd in the partial unofficial count for senate race.

“Hindi matutumbasan ng anumang salita ang pasasalamat ko sa inyong tiwala sa isang ordinaryong probinsyanong katulad ko,” he noted.

“Tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte, ako ay isang simpleng tao lamang na nangarap na makapagserbisyo ng tapat at lubos sa inyo,” he said.


“Tapos na ang halalan. Panahon nang magkaisa na tayong lahat para simulan ang mas mahalagang gawain sa pagsusulong ng kaunlaran ng ating bayan. Sama-sama nating iangat ang katayuan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyo mula sa gobyernong nagmamalasakit sa tao,” he said.

“Ipagpapatuloy ko ang naumpisahan natin. Tuloy ang pagbabago. Tuloy ang serbisyong Tatak Duterte para sa kapwa nating Pilipino,” he added.