President Duterte signs Murang Kuryente Act

Politics & Governance

President Rodrigo Duterte signed Republic Act No 11371 or the Murang Kuryente Act on August 8.

“Magiging abot-kamay na ng bawat Pilipino ang mas mababang kuryente na kay tagal nang pinapangarap ng bawat isa sa atin ngayong nilagdaan na ang Murang Kuryente Act,” Senator Win Gatchalian said.

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa wakas ay matutuldukan na rin ang paghihirap ng bawat power consumer sa pagpasan ng utang ng Napocor na siyang ipinapasa sa tao sa pamamagitan ng universal charge sa stranded debts (UC-SD) at stranded contract costs (UC-SCC) na bahagi ng singil sa atin sa kuryente,” he added.

“Sa mga susunod na buwan, makaaasang matatanggal na rin ang UC-SCC at UC-SD sa ating mga electric bill,” he added. “Ang mga pamilyang kumukonsumo ng 200kWh kada buwan ay makakaasa na magkakaroon sila ng ₱172 na kaltas sa kanilang electric bill kada buwan, katumbas ng dagdag na 3 hanggang 4 kilo ng bigas kada buwan o isang kaban kada taon.”


“Ang pagpasa ng batas nito ay isang malaking tagumpay ng bawat Pilipino consumers tungo sa mas abot-kayang kuryente para sa lahat,” he added.