Wala akong nakita na pwede talagang maging presidente: Duterte


“Ang tatanda na sana natin. Tayo, we are just a heartbeat away. ‘Pag huminto itong pitik dito sa – we’re getting old and you know, the young are there. Wala pa akong nakita na new crop of politicians dito sa ating bayan ngayon,” President Rodrigo Duterte said during the oath-taking of newly appointed officials on March 3 at Rizal Hall, Malacañang Palace.

“Frankly, wala akong nakita. Wala akong nakita na – na pwede talagang maging presidente,” he added.


“Alam mo sa totoo lang, Presidente ka, hindi ka marunong pumatay at takot kang mamatay, eh huwag ka na mag-presidente. Walang mangyari sa iyo. Walang mangyari sa bayan,” he explained.

“Kung puro utos ka lang, in the end, ikaw pa ‘yung kontrabida. Ikaw na ‘yung gumawa para ikaw talaga ang bida. ‘Wag mong… That’s why I am scared. I’m scared for the next generation. Iyong mga apo natin, ‘yon ang pinoprotektahan ko. Hindi lang alam ng ano – I’m trying to protect the generations of Filipinos especially ‘yung next batch, itong mga anak natin,” he said.