VP Leni calls for COVID-19 community testing in high density, vulnerable areas

News

Vice President Leni Robredo is appealing for the initiation of community testing for COVID-19 in high density, vulnerable areas so that those who are positive for the disease can be separated for isolation.

“Umaasa po tayo na sa lalong madaling panahon ay mailalatag na ang mas detalyadong plano para sa mga high density areas, kung saan hindi maiiwasang magsiksikan ng mga tao. Sa Kamaynilaan, marami sa mga ito ay nasa mga lugar ng maralitang tagalungsod,” the Vice President said.

“Para sa mga lugar na ito, umaapela kaming isaalang-alang ang mga sumusunod na mungkahi: Una, magkaroon ng malinaw at ispesipikong mga protocols para alam ng bawat barangay ang dapat gawin sa panahong ito,” she said.

“Ikalawa, i-prioritize na ang testing sa mga komunidad para mahiwalay na ang may mga sakit,” she added. “Ikatlo, karamihan sa ating mga kababayan ay nakatira sa High Density Areas kung saan nagsisiksikan sa isang kwarto ang buong pamilya. Ngayon pa lang dapat hinahanda na ang mga isolation areas para sa mga nagpapakita ng sintomas.”

“Ikaapat, bigyan natin ng espesyal na atensyon ang mga may edad; siguruhin nating nasa maayos silang kalagayan,” she said.

“Ikalima, dahil ang mga barangay officials ang magiging pangunahing mukha ng mga otoridad at maraming iaasa sa kanilang trabaho dapat silang bigyang-lakas: Sapat na pagsasanay, kagamitan, at resources upang maipatupad ang kanilang mga tungkulin,” Vice President Robredo said. “Ikaanim, magbahagi din sana ng sapat na kagamitan at kaalaman para sa mga frontliners, partikular na ang mga unipormadong hanay at mga health workers.”

“Protect the vulnerable, and we protect the whole. Kailangang mamulat ang lahat sa katotohanan na maaampat lang ang pagkalat ng sakit na ito kung aarugain ang lahat. Kaisa ako sa panawagan ni Pangulong Duterte na sumunod sa social distancing measures. Ngunit hindi puwedeng iwanan na lang ang mga maralita para asikasuhin ang sarili nila,” she said.