US ‘bossy’, no word of honor: Duterte

News

“Nag-order ako – gobyerno – ng baril [from United States]. Kasi ‘yung mga baril ‘pag matagal na karami ng balang naputok doon, ilang thousands, mainit na, loose na,” President Rodrigo Duterte said during his meeting with the Filipino Community in Japan on May 30.

“And itong mga Amerikano, dalawang congressmen nagtindig,” he added. “At the time na kailangan natin ‘yung mga baril, p***** i** hinold. Kaya maraming namatay sa ano (Marawi)… Hindi na masyado accurate ‘yung mga ano, dapat bago lahat. Kay kung ‘yang mga loose barrel na, wala na ‘yan.”

“‘Yan ang sentimiyento ko talaga sa Amerika. Tsaka bossy masyado. Iyong kanilang sarhento, tinyente, magsalita akala mo heneral rin,” he noted.

“Kaya hindi ako nakikinig sa kanila. I do not listen to you. Wala kayong word of honor. Ang pinaka may word of honor, Japan,” he said.

“Kaya kung ako sa inyo is you help Japan. Truly ‘yung in good faith. Sweat it out kasi unang-una they’re kind to us and they provide us with so many things,” he told the Filipinos in Japan.