Tawaging mañanita ang pagtitipon, magdala ng bulaklak: Senator Kiko to protesters

News

“Sa lahat ng nais mag protesta sa mga nagaganap na kapalpakan sa palakad sa Gobyerno, please lang tawaging Mañanita ang pagtitipon at magdala ng mga bulaklak para hindi maaring arestuhin, kasuhan o managot ang lahat ng dumalo,” Senator Kiko Pangilinan said in a Twitter post June 6.

In a more serious statement posted in his Facebook account, Pangilinan said “hindi tayo kumikilos at naninindigan dahil sa katiyakan ng tagumpay kundi dahil sa katiyakan ng ating paninindigan at paniniwala.”

“Pilit nilang pinapatay ang apoy ng ating kalayaan at ating demokrasya na lumiliyab sa ating mga puso. Ngunit hindi natin ito papayagan mangyari. Kahit pa karampot na lang at maliit ang apoy sa ngayon, hindi tayo maaring pumayag na tuluyan nang patayin ito. Kailangan natin tiyakin na nananatiling buhay ang mga apoy hanggang dumating ang araw na lumiyab muli ito nang husto at sumiklab ito sa bawat sulok ng ating Inang Bayan,” said Pangilinan who is also the President of Liberal Party.

“Huwag na huwag tayong susuko. Ipaglalaban natin ang kinabukasan ng ating mga anak at mga mahal sa buhay. Huwag nating payagan na ang mga tiwali at mapang-abuso ang siyang magdidikta ng kung ano ang magiging kinabukasan ng ating mga anak. At dahil sa ating mga anak at mga mahal sa buhay hindi tayo maaring sumuko kahit ano pa man,” he said.