Selling of gadgets, bags online, okay lahat, ang ayaw natin ‘yung binebenta ang bansa – Hontiveros

News

“Sa online selling, may mga nagbebenta ng gadgets, bags, damit, kakanin at beauty products. Okay lahat yan! Maparaan talaga tayong mga Pinoy. Basta ang ayaw natin ay yung binebenta ang bansa natin sa dayuhan,” Senator Risa Hontiveros said in her Facebook page June 17.

In a release, the senator said “naging magulo para sa mga online sellers ang memo mula sa BIR. Mabuti pang bawiin, i-review, at i-rewrite muna ng ahensiya ang guidelines na nilabas nila.”

“As of today, RMC 60-2020 is still enforceable. Strictly speaking, its text still mandates all, including small online sellers, to register with the BIR,” she explained. “Magandang magdeklara muna ang BIR ng moratorium sa pagpapa-register ng online sellers at bawiin muna ang mga guidelines sa ilalim ng RMC 60-2020, habang nasa panahon tayo ng krisis,” the Senator said.

“The country’s economic recession due to the COVID-19 pandemic is driving millions into unemployment. Many Filipinos are turning to online selling to make ends meet. We should not punish them with confusing guidelines and hefty fees,” she said. She noted that the COVID-19 pandemic has left a record number of Filipinos jobless, with the Philippine Statistics Authority reporting 7.3 million unemployed adults in April.

“Dapat maging malinaw sa BIR circular ang mga exemptions para sa mga small online sellers at para sa mga nag-o-online selling bilang pantawid ngayong marami ang nawalan ng trabaho at kita,” Hontiveros also said.

“If the circular is still enforced and if we are to strictly follow government policy, online sellers will have to shell out at least PhP 2,260 pesos each just to register,” Hontiveros said. “DTI certification, BIR’s own registration fee, and payment for printing of receipts will cost roughly 2,260 pesos in total,” she added.

“May dagdag-gastos din na at least 1,500 pesos kung magpapa-imprenta ulit ng resibo. May pwedeng dagdag-gastos din sa pag-file ng financial report quarterly. Mahirap yan para sa isang small-time online seller na dapat ay may proper documentation na ang kita niya ay less than 250,000 pesos annually,” Hontiveros also explained.

“Imbes na matulungan ang ating mga online sellers, mas lalo pa silang mamumulubi dahil sa laki ng gastos nila sa registration at para maiwasan ang penalties ng BIR,” the Senator urged. “Sa panahon ng COVID-19 crisis at ginagawang pantawid-kita ang online selling, pahirap ang kasalukuyang requirements ng BIR sa ating mga kababayan,” she said.