Sa gitna ng pandemya, hindi natin palalagpasin ang isyu ng panghihimasok sa soberanya – Mayor Isko

News

“Kahit nasa gitna tayo ng pandemya, hindi natin palalagpasin ang isyu ng panghihimasok sa ating soberanya,” Manila City Mayor Isko Moreno said after ordering the closure of a business establishment which listed Manila as province of China.

“Baka magulat na lang tayo, iba na ang sagot ng mga bata sa Araling Panlipunan kung hindi natin ito tututukan,” he added. “Kailanman ay hindi nasakop ng China ang Pilipinas at ang lahat na nagtangkang manakop sa bansa ay naitaboy ng ating mga ninuno at bayani.”

“Kaugnay niyan, sumulat na rin po tayo sa Bureau of Immigration ngayong araw upang ma-deport sa lalong madaling panahon ang dalawang Chinese nationals na sangkot sa issue ng pagtukoy sa Maynila bilang probinsya ng China sa packaging ng isang beauty product,” he said.

“Hinihikayat ko rin po ang mga kapwa ko Batang Maynila na i-ulat agad sa aming tanggapan ang anumang isyu patungkol sa ilegal na gawain ng mga negosyo sa ating minamahal na lungsod,” the mayor added.