Robredo pushes for work from home arrangement


Vice President Leni Robredo is now pushing for work from home arrangement amid the rising number of COVID19 cases in the country and after the World Health Organization (WHO) declared it as pandemic.

“Sinabi na ng World Health Organization: May mga katangian ng isang pandemic ang pandaigdigang situwasyon. Ibig sabihin, kumalat na ang virus sa iba’t ibang bansa,” Vice President Robredo said.

“Sa pagkakataong ito, kailangan kong idiin: Panahon nang ipatupad ang areglong work-from-home. Huwag na nating ipilit pumasok pa sa opisina ang ating mga empleyado, maliban na lang ang mga nakatutok sa pagpapaabot ng kaukulang serbisyo na maaaring umampat sa pagkalat ng virus,” she said.


“Hindi sapat ang four-day workweek lang; hanapin natin ang mga alternatibong paraan para ipagpatuloy ang inyong operasyon. Kung talagang kailangan, magpatupad na lamang tayo ng skeletal staffing sa ating mga tanggapan. Walang dahilan na maibilad pa sa peligro ang sino man, lalo pa’t may dalang dagdag na panganib para sa lahat ang bawat bagong makakasagap ng sakit na ito,” she added.

“Malinaw ang posisyon ng mga eksperto: Social distancing ang isa sa mga pinakamabisang paraan para maampat ang pagkalat ng virus. Paraan din ito para hindi ma-overload ang ating mga sistemang pangkalusugan,” she explained.

“Bawat sandaling mapabagal ang pagkalat ng virus ay sandaling naibibigay natin sa mga eksperto upang makahanap ng bakuna at lunas sa sakit na ito. Kaya nga kailangan nating idiin at ulit-ulitin ang panawagan para sa work-from-home arrangement,” the Vice President said.