Mahirap mag-gamble, costlier kung mamamatay sila: Año on motorcycle backride

News

“Yes, naintindihan po natin yung hirap pero base po sa panuntunan ng DOH, ‘yung minimum health standard na physical distancing, napakahirap i-practice sa motor kahit sabihin natin sila ay mag-asawa o magkapatid pero ang virus walang pinipili kahit mag-asawa. Kaya nga po kahit sa bahay dapat may physical distancing pa rin,” Interior Secretary Eduardo Año said during President Rodrigo Duterte’s meeting with several Cabinet Secretaries on June 4.

“Hindi talaga guarantee na komo mag-kapatid o mag-asawa, ay parehas kayong negative, lalo na kung pupunta kayo sa opisina pag-uwi ninyo hindi natin alam kung may virus na dala ‘yung isa, magkasama sila sa motor, the next day ‘yung asawa naman ‘yung napunta sa kabilang opisina at nahawa,” Secretary Año said. “Ito naman po ay hindi forever, darating naman tayo sa bagong normal kung saan may mga zero cases talaga na pwede po natin i-allow.”

“Mahirap mag-gamble na komo mag-asawa, pwede nang magkadikit sila lalo na sa publiko. Actually sa loob ng bahay wala po tayo magagawa kung sila ay magviolate ng physical distancing, pero sa publiko napakahirap makita ng iba na pinapayagan natin magkadikit sila at nagpapatupad tayo ng physical distancing at pagsusuot ng mask,” he explained.

“Napakahirap po talaga, pero health ‘yung pinaguusapan natin, health risk, hindi ‘yung convenience, hindi ‘yung makakatipid sila, pero buhay eh pagka-nahawa ‘yung isa sigurado mahahawa ‘yung isa, it is costlier kung mamamatay sila,” Año said.