I would like to pronounce it the ‘vee-rus’ kasi galit ako: President Duterte

News

“Sabi nila the vi – ‘yung virus. Kino-correct ako. I would like to pronounce it the vee-rus kasi galit ako,” Presdient Rodrigo Duterte said in a public address aired evening of March 16, announcing the enhanced community quarantine measure for entire Luzon. “Sabi ko, ‘Saan itong vee-rus na ito?”

“So ganun na lang. Ang tawag ko sa kanya kasi galit ako, vee-rus,” he added.

“Well, lumilipad ‘yan everywhere especially in cramped and not well-ventilated places. So you run the risk of going home, giving it to your children, and then your children the next day will play with other children,” he explained.

“We cannot really control the contagion perfectly. We want it to be perfect. But there will be the downsides. Food ‘yung isa. ‘Yung isa naman ‘yung sweldo ninyo,” the President said.

“Kaya ako nakikiusap sa malalaking negosyo, magtulong na lang kayo. At ‘yung mga suppliers dito sa mga sari-sari na manggaling sa inyo, kindly help so that there is at least an economy working around if this can be done by your skeletal force. Huwag ‘yung lahat na mag-assign lang kayo ng mga tao na kakaunti to minimize. At least kung iilan lang ang lalabas, with the social distancing, eh baka mapababaan natin itong delikado na sitwasyon,” he noted.

He also enumerated several actions how the private sector can help like the release of prorated 13th month pay and giving moratorium on rental fees.

“Pag release ng 13th Month Pay: Kahit prorated lang – ‘yung ano divided by mo sa mga buwan – prorated lang tulong na iyan ay ating mga kababayan habang naka-quarantine,” he said. “Pagbibigay ng Moratorium on Rental Fees para sa mga renters and tenants: Huwag ninyong bilangin ‘yung araw na hindi makapagtrabaho, hindi makalabas ‘yung ating mga kababayan.”

“Hindi ko sinasabi batas ito. Hindi ko sinasabi na regulasyon ito. But sinasabi ko, kung ikaw ay Pilipino nagmahal ng kapwa mo tao, baka you know, you can mitigate the hardship,” he said.