I will always say, we are winning against COVID-19 – Roque

News

“Lilinawin ko po ha, naniniwala po rin ako at nais kong maniwala na tayo po ay nagwawagi pa rin. Dahil nga po napababa natin ang mga namamatay sa sakit na ito, napababa natin iyong pagkalat ng sakit na ito, nag-plateau po tayo at seven days, sana po mas mapahaba pa natin iyong ating case doubling rate. At siyempre po iyong positivity rate na pinakita natin ‘no, 6 to 7% lang po ang nagpa-positive for every 100,000 na tine-test natin. At napakalaki pa po ng ating capacity to provide hospital services doon sa mga magkakasakit. So, I will always say, we are winning against COVID-19,” Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque said during July 7 press briefing.

“Siguro po doon sa mga ayaw maniwalang nananalo tayo, sige po sa inyong mga personal na paninindigan, tanggapin po ninyo iyon. Pero habang hindi po namamatay ang tao, habang mayroon po tayong kapasidad na magbigay ng medical na lunas sa mga nagkakasakit, hindi ko po matatanggap na tayo po ay hindi nananalo dito sa sakit na ito,” he added.

“Pasensiya na po, dahil nakikita naman natin ang datos, hindi po tayo nag-iimbento ng datos, pero buhay pa po tayo, karamihan ng mga nagkakasakit. At sa akin po, dapat ikatuwa iyan na natuto na po ang ating frontliners at nagpapasalamat tayo sa mga frontliners kung ano ang dapat gawin sa mga nagkakasakit na kritikal,” Secretary Roque said.

“Kaya nga po gaya ng mga bansang Singapore, bagama’t hindi kasing-baba ang death rates natin ay hindi po ganoon kalaki ang ating death rate, 2.9% po ang ating death rate kung ikukumpara sa worldwide na 5.5. So, sa akin po pagwawagi po iyan at kung sa tingin po ninyo talaga na tayo ay hindi nagwawagi, sa inyo na po iyon. Pero sa akin po, habang kakaunti, compared to the rest of the world ang namamatay, nagwawagi pa rin po tayo. And kung talagang hindi ninyo matanggap iyon, sa inyo na po iyon,” he said.