Hindi na po ako nasorpresa: Roque on Duterte’s decision on Pemberton

News

Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque has said he was not surprised on the decision of President Rodrigo Duterte to grant pardon on American serviceman Joseph Scott Bremerton.

“Tingin ko po nagkakaisa pa rin kami ng Presidente sa pagtataguyod ng indipendiyenteng foreign policy. Tingin ko po, consistent pa rin kaming dalawa ni Presidente na kinakailangan kaibigan ang lahat, walang kalaban na kahit sinuman,” Secretary Roque said during September 10 press briefing.

“Hindi na po ako nasorpresa, sa totoo lang po. Bakit po? Kasi alam ko po na mayroong mas mataas o mas importanteng national interest na kinakailangang pangalagaan ng Presidente. Bagama’t pareho pa rin po kami ng paninindigan pagdating doon sa indipendiyensa at pagiging malaya ng Pilipinas,” he added.

He noted that in this time of pandemic, only four countries are progressing in the development of vaccine.

“Pero sa panahon po ng pandemic, huwag nating kakalimutan, apat na bansa lang po ang gumagawa ng vaccine at napapansin naman natin na ang Presidente ay talagang binibigyan ng emphasis na sana magkaroon na nga ng vaccine. At sa tingin ko naman, itong desisyon nga ni Presidente – ito ay personal na opinyon ko dahil tinanong mo ang aking personal na opinyon ‘no – ang pagbibigay ng pardon kay Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ni Presidente na kapag mayroon na ngang vaccine na na-develop kung sa America man ay makikinabang din ang Pilipinas,” Roque explained.

“So sa akin po, I’m not surprised dahil panahon ng pandemic at alam ko po ang emphasis ng ating Presidente ay makakuha ng vaccine para sa mga Pilipino. At sa akin po, bagama’t tayo po ang tumayong abogado ng pamilyang Laude, eh kung ang ibig sabihin naman niyan ay lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng vaccine, kung mga Amerikano maka-develop, wala po akong problema diyan,” he said.