‘Galit ba sa Pilipino ang taong ito?’: Lacson on Duque


“Hayaan daw munang kumalat sa Pilipinas ang Covid 19 variant mula sa UK bago mag travel ban. Galit ba sa Pilipino ang taong ito?” Senator Ping Lacson said in a Twitter post on December 26.

The senator made the statement in reaction to Health Secretary Francisco Duque III’s pronouncement during President Rodrigo Duterte’s meeting with Cabinet members, infectious diseases experts, and members of the academe to tackle various concerns on COVID-19, particularly the recently discovered coronavirus strain, at the Heroes Hall in Malacañang Palace, December 26.

“Base sa mga ulat na kinalap ng WHO mula ika-28 ng Agosto hanggang ika-23 ng Disyembre, may 12 bansa sa Western Pacific Region ang nagtala ng mga imported na kaso mula sa UK. Kabilang po rito ang Hong Kong, China, Singapore, New Zealand, Korea, Japan, Malaysia, Solomon Islands, Vietnam, Australia, Taiwan, and Cambodia,” Secretary Duque said.

“Sa mga ito, tatlong bansa ang nakapagtala ng mga kaso bago sa — base po sa bagong variant. Sa Australia ay may apat na kaso na na natuklasan habang naka-quarantine. Sa Hong Kong ay may dalawang kaso, dalawang estudyante na edad 14 at 17. Sa Singapore naman po ay may isang kaso. Isa ring estudyante na 17 taong gulang. Sa Japan na na-detect ang new variant sa limang biyahero mula sa UK,” he explained.

“Ang atin pong recommendation — Ito po ang aming rekomendasyon, Ginoong Pangulo, habang nadaragdagan ang mga bansang nag-uulat ng detection ng UK new variant, nirerekomenda po ng DOH kasama ng mga eksperto ng TAG o Technical Advisory Group ng ating IATF at ng World Health Organization na sa mga manggagaling sa mga bansang may kumpirmadong new variant, gawing mandatory ang pagtapos ng 14-day quarantine period sa New Clark City. Ang protocol na ito ay gaya na ng ipinatupad ngayon para sa mga biyaherong dumating bago mag-alas dose a-uno, umaga ng December 24,” he added.


“Ikonsidera lamang ang travel ban, Mr. President, kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa. Lahat din ng specimens galing sa mga biyahero sa UK ay dapat pong maipadala sa PGC (Philippine Genome Center) upang sumailalim sa genomic sequencing,” Secretary Duque said.

A travel ban on United Kingdom is being implemented. Travelers from UK who entered the country before the implementation of travel ban, December 22 to 25, where transported to New Clark City to complete a 14-day quarantine.

“Ayon sa NTF report mula December 22 to 25, umabot na po sa 79 na pasahero mula UK ang dumating sa bansa; 72 ang dumating sa NAIA; habang pito ang dumating naman po via Clark. Sa 79 na nagmula po sa UK, dalawa rito ang bumalik na sa UK samantalang 77 ang nanatili dito sa Pilipinas,” Duque said. “Base sa report kahapon po, 59 na ang mayroon ngtest results kung saan 53 ang negative ngunit may isa pong nagpositibo sa COVID at inaantabayanan natin ang 23 na natitirang resulta.”

“Pero ‘yung testing po nito, Mr. President, hindi po nangangahulugan na ito na po ‘yung new variant dahilmagsasagawa pa po ng pagsusuri ang atin pong mga eksperto mula sa Philippine Genome Center,” Secretary Duque explained.