Duterte tells leftists: ‘Pag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo

News

“I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation,” President Rodrigo Duterte said during an address to public evening of April 1.

“Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID,” he added.

“Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you,” he said.

“Ngayon, ‘pag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo. Kaysa ibigay ko doon sa mga loko-loko, kagaya ninyo panggulo, ibigay ko na lang ‘yon sa mga matino pati nangangailangan,” President Duterte said.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate,” he noted.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” Duterte said. “Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil.”