Duterte prepared to debate but advised not to – Roque


Presidential Spokesperson Harry Roque said in a video announcement today, May 7 that President Rodrigo Duterte was advised not to pursue the debate with retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

“Handang-handa po sana ang Presidente na dumibate pero kagabi po eh tinanggap po niya ang advice ng ilang mga miyembro ng Gabinete kasama na po si Executive Secretary Medialdea. Ang sabi po ng ating mga Gabinete at sinusugan po ito ng dalawang senador – si Senate President Sotto at saka si Senator Pimentel – na unang-una, wala pong mabuting magiging resulta itong debateng ito para sa sambayanang Pilipino,” Roque said.

“Pangalawa, nanindigan po ang mga miyembro ng Gabinete na bakit papayag sa debate eh nakaupong Presidente naman si Presidente Duterte at si Atty. Antonio Carpio bagama’t siya ay dating mahistrado ay ordinaryong abogado ngayon. Parang hindi naman po tabla ‘no na ang Office of the President na Presidente mismo ay haharap sa isang ordinaryong mambabatas. Parang hindi po patas. At ang pangatlo at pinaka-importante ay sinabihan po ang Presidente ng ating mga miyembro ng Gabinete na napakahirap po na mag-participate ang Presidente sa ganiyang debate,” Roque added.

“Bakit po? Kasi nakaupo pa siyang Presidente at ibig sabihin lahat po ng masasabi ng Presidente doon sa debateng iyon ay makakaapekto po sa mga polisiya ng gobyerno. Hindi na po mababawi ang mga pupuwedeng sabihin ng Presidente sa debateng iyon bukod pa sa katotohanan na kaya nga po mayroon tayong tinatawag na executive privilege, iyong mga bagay-bagay na hindi dapat isapubliko para makagawa ng mga tamang desisyon – bagama’t hindi popular na desisyon – ang isang Presidente. Maku-compromise po iyong mga bagay-bagay na ito, iyong mga impormasyon na ito kung papayag po at ituloy ng Presidente ang pagdebate kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio,” he explained.


However, Secretary Roque said he was designated by President Duterte to debate with retired Justice Carpio.

“Pero tuloy po ang debate. Eh, ang sabi po ni Presidente kung papayag si Antonio Carpio, tuloy po ang debate dahil importante naman na marinig iyong mga ideya para ang taumbayan ang makagawa ng konklusyon. Ang sabi po ni Presidente, itinatalaga niya po ang inyong abang lingkod na makipag-debate kay retired Justice Antonio Carpio at tinanggap ko naman po ang pagtatalaga ni Presidente,” Roque said. “Sabihin lang po ng Philippine Bar Association kung kailan, saan, ang debate at sisipot po tayo roon pero ang pagdidebatihan po malinaw: Unang-una, sino ang responsable sa pagkawala ng teritoryo ng Pilipinas, si Presidente Duterte ba o ang ibang administrasyon?; Pangalawa, tama ba ang sinasabi ni Antonio Carpio na binalewala ni Presidente ang panalo natin doon sa Hague Tribunal?; at kung gusto niya pangatlo, eh tama ba ho na namimigay ng teritoryo ang presidente Duterte?”

“Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, it would be a pleasure to debate against you, I’ll you see you at the designated time and place,” Roque added.