Duterte on ‘jet ski brouhaha’: Hindi siguro sanay itong mga g*** sa style ko sa kampanya


“Now, let us end this by – with an explanation itong jet ski brouhaha. Alam mo, panahon ng kampanya ‘yon. Hindi siguro sanay itong mga g*** na style ng — style ko sa kampanya, pati ‘yong bunganga ko ngayon,” President Rodrigo Duterte said during his May 10 address to nation.

“Nagyabang ako na pupunta ako sa Spratly, magdala ako ng flag nang sakay
ako ng jet ski. Nagplano ako niyan. Bumili ako ng jet ski, ang kaya ko secondhand lang. So nag-order ako ng piyesa hanggang ngayon hindi pa dumating since then. Eh walang dumating ‘di wala akong magawa,” President Duterte added.

“When I was plotting, nagpa-plot ako kung saan ako magdaan, nakita ko doon eh ilan naman ‘yong tangke ng jet ski? Kailangan ko ng gasolina, supply. Eh pagtingin ko puro dagat, wala man akong makitang gasoline station along the way. Ah sabi ko, mahirap ito. Dito tayo mamatay nang walang kakwenta-kwenta,” he added.


“So ‘yan ang istorya. Ngayon, paano ‘to? Paano? Panahon sa kampa — panahon sa kampanya ‘yan. At saka ‘yong biro na ‘yon, ‘yong delabra — we call it “bravado,” ‘yong bravado ko that was just a pure campaign joke. At kung naniniwala kayo sa kabila, pati na siguro si Carpio pati si — I would say that you are really stupid,” the President said.

“Sige, maghanap ka ng tao dito magpunta ng jet ski. Hindi pa mag-abot pa ng ilang oras I would conk out in the middle of the sea. And sabi nila ang waves — ano bang waves sa Tagalog? [Alon] Iyang alon pala diyan sa China Sea kasing laki ng dagat. Ah sabi ko, mahirap ito. Sabihin ko na lang balang-araw sa inyo na inabot talaga ako ng takot. Wala akong magawa. Takot akong mamatay. Walang gasolina. Ang spare parts hanggang ngayon wala,” he said.

“Tapos pagsabi nila pupunta ka doon? Sabi ng Navy, ang alon umaabot po, sir, kasing laki ng barko. Na, patay. So balik ako doon sa ano. Kung naniniwala kayo niyan, I really do not know if you — if you harp on that, it’s — it’s a pure… I was not taking lightly the sovereignty but it was a pure joke actually, but just to emphasize na talagang hinaluan ko lang ng biro,” Duterte added.