Duterte gives warning vs online scammers selling face masks

News

“‘Yung mga scam ngayon, ‘yung mga masks, mag-order kayo through online, susmaryosep. Do not go for that kind of shit ‘yung magbili-bili kayo online, mag-mask. Tapos ang kaka-text ninyo is from Pampanga, from Abra. Saan man sila magkuha ng mask doon? Wala nga dito sa Maynila,” President Rodrigo Duterte said during his public address aired June 5.

“Dito kayo sa Maynila, sa mga holdupper puwede pa. Puwede kayong bumili. Mayroon pa ‘yang p***** i**** stock ng mga animal na ‘yan. Wala dito. So be careful about… Lokohan ‘to ngayon,” he added.

He said that “the best is give me the goods, I pay you. Or better still give me the goods, I will examine it, if it is really the one that I ordered, then I will pay you. Huwag kayong bumili ng mga online-online na lalo na magpadala ka ng pera.”

“I’d like to address this to everybody: Mga kababayan, do not fall for that thing online-online. It has never been perfected. And all the scams that man could think of that they can perpetuate on the innocent public, pinag-aaralan nila ‘yan,” the President said.

“Ang iyo diyan is i-deliver mo tapos tignan mo ‘yung maskara, kung hindi sang-ayon sa inorder mo, papasukin mo sa loob ‘yung — nagdala ng mask, talian mo, pagka gabi maghanap ka ng sakyan, ihulog mo sa Pasig River. Mamili ka. Maraming tulay diyan. Alas tres ng madaling araw wala ng dumadaan diyan. Maski ano ihulog mo, wala na makialam diyan. Itong mga animal na ito, they take advantage of the misery of people,” President Duterte said.

“Kung ako? Iyan ang gawain ko sa inyo. Talian ko ‘yung paa ninyo pati kamay ninyo. Saksakan ko ‘yang bunganga ninyo ‘yung medyas ninyong mabaho, limang araw na walang laba. Tapos talian ko ng panyo. Ihulog kita sa Pasig,” he added.