DOTr deploys more modern PUVs for COVID-19 frontliners

News

“Dumarami na ang mga manufacturers ng modern public utility vehicles (PUVs) na nagpapahiram ng kani-kanilang units para sa isinasagawang Free Bus Service for Health Workers ng Department of Transportation (DOTr),” the department said in a statement April 2.

DOTr photo

“Dahil dito, mas marami pang naseserbisyuhang medical workers ang aming programa na ngayon ay mayroon ng 19 ruta, kumpara sa tatlong (3) ruta noong nagsimula ang programa 18 Marso 2020,” it added.

“Kaya mula po sa aming Kalihim Arthur Tugade, at buong pwersa ng DOTr, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Pilipinas Autogroup, Inc., Star8 Green Technology Corp., Mitsubishi Motors, Foton Motors, at Hino Motors, sa pagbibigay-tulong upang maisakatuparan ang aming hangarin — ang matulungan sa kanilang pang-araw-araw na transportasyon ang mga makabagong bayani ng bansa,” DOTr said.