DOLE, OWWA, DOH has 1 week to send 24,000 OFWs waiting for COVID-19 test results home

News

“Inutusan po ngayon ng ating Presidente ang DOLE, OWWA, at ang DOH, na mayroon lamang silang isang linggo para masiguro na lahat po ng 24,000 na mga OFWS, ating mga kapatid na mga Pilipino na naghihintay ng mga resulta ay mapauwi na sa kani-kanilang mga probinsya,” Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque said today, May 25.

Roque said “sinabi po ng ating Presidente ngayong umaga, mga ala-una y medya, na pwede nilang gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno at gamitin nila ang lahat ng pamamaraan ng transportasyon, mapa-bus, mapa-eroplano, mapa-barko, para mapauwi na itong mga OFWs natin.”

“Nagsabi rin ang ating Pangulo na kinakailangan palakasin na ang PCR testing sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, hindi lamang dito sa Metro Manila, nang sa gayon, eh pupuwede nang umuwi diretso sa kanilang mga probinsya ang OFWs, at doon na sila magpakuha ng PCR COVID-19 test,” he added.

“Hindi katanggap-tanggap sa ating Presidente, na matapos maglingkod para sa ating bayan bilang mga OFWs, na napahiwalay sa kanilang mga pamilya, nalungkot, at nahirapan sa ibang bayan, eh ngayon, lalo pang mahihirapan habang naghihintay ng kanilang mga COVID-19 results.”

“Sang-ayon ang Presidente na kinakailangan lahat ng ating mga manggagawa ay sumailalim sa COVID-19 [test], pero ang sabi niya, hindi katanggap-tanggap na napakatagal ng proseso bago sila makauwi,” Roque said.