‘Dinatnan na po iyan ni Presidente’: Roque on WPS situation


Presidential Spokesperson Harry Roque said during his April 26 press briefing that when President Rodrigo Duterte came into office the situation in West Philippine Sea is already existing.

“Ito nga po ang sinasabi lang natin, dinatnan na po iyan ni Presidente. Hindi po sa termino ni Presidente nawala ang Scarborough, hindi po sa teritoryo ni Presidente na gumawa ng artificial islands ang Tsina at hindi sa termino ni Presidente na nagkaroon tayo ng batas at isang desisyon ni Justice Carpio na naging dahilan kung bakit nawalan tayo ng internal waters at territorial seas,” he said.

He added that the “President has had to deal with these when he came into office.”

“At ang issue nga is, gagawin ba niyang hadlang ito para tuluyan nang matigil ang ating relasyon sa Tsina o pupuwede ba nating isulong iyong mga bagay-bagay na pupuwede namang isulong hanggang wala pang pinal na solusyon itong pinag-aagawang teritoryo,” he said.


“Alam ninyo po talagang malayo pa, mahaba pa ang ating tatahakin bago magkaroon ng resolusyon kasi iyong award na napanalunan na natin ay tungkol lang po sa karagatan. Ang pinag-aagawan isla, lupa – iba po ang law applicable, hindi po applicable ang UN Convention on the Law of the Sea. At iyan din po iyong sinabi natin sa kaso ng Magallona – paano makakaapekto ang Law of the Sea eh ang pinag-aagawan ay isla ‘di ba po?” the presidential spokesperson added.

“Ang punto lang po, sa debate kung sino ang namigay ng teritoryo sa mga dayuhan, hindi po si Presidente Duterte iyan, nadatnan na po iyan ni Presidente Duterte. Nang siya po ay dumating, nawala na sa atin ang Scarborough Shoal. Nang siya po ay dumating, ginawa na ng Tsina iyong mga artificial islands doon sa ating Exclusive Economic Zone, at nang siya po ay dumating, narito na po itong batas na ito na talagang sinabi ng Korte Suprema ay hindi labag sa ating Saligang Batas. At sino po ang sumulat ng desisyon na nagsabi na iyong pagkawala ng ating internal waters, territorial sea ay sang-ayon sa Saligang Batas, wala pong iba kung hindi si Senior Justice Antonio Carpio,” Secretary Roque said.

“Hindi po tayo naninisi. Ang sinasabi lang natin, dahil nadatnan na iyan ni Presidente, ang desisyon niya is unang-una, talaga bang ititigil niya ang relasyon sa Tsina dahil dito sa hidwaang ito or isasantabi ang hindi pupuwedeng mapagkasunduan at isusulong ang pupuwedeng mapagkasunduan kagaya ng kalakalan at iyong mga pamumuhunan. Well, ang naging desisyon po ng Presidente, ginawa na iyan ng lahat ng mga opisyales bago siya dumating sa kaniyang katungkulan bilang isang Presidente, he has to live with it. He will pursue his bilateral relations, ipagpapatuloy niya ang relasyon sa bansang Tsina doon sa mga bagay-bagay na pupuwedeng isulong at isasantabi ang mga hindi mareresolba sa ating lifetime,” he added.