China nangako na walang bagong reclamation na gagawin: Palace

News

“Ang insidente pong naging basehan ng ating protesta ay iyong pag-include ng parte ng KIG (Kalayaan Island Group) doon sa isang administrative unit ng Tsina at saka doon sa pagtutok ng radar gun sa isang Philippine Navy ship ‘no. Wala po akong nakalap na balita na gumagawa po sila ng bagong istraktura,” Presidential Spokesperson Harry Roque said on April 23.

“Pero uulitin ko po na ang pangako po ng Tsina – na tayo naman po ay umaasa na tutuparin nila – walang bagong reclamation na gagawin dahil hindi po dapat na mapalala pa iyong problema pagdating ng reclamation,” he added.

“As to whether or not there will be specific structures built on those existing reclaimed properties ay hindi naman po sakop iyan doon sa sinabi ng Tsina. But ganoon pa man kung kinakailangang magprotesta, gagawin po natin iyan,” Roque explained.

“Uulitin ko po, unfortunately hindi po pupuwedeng maging issue for public discussion kung ano ang ginagawa natin in the diplomatic front. We need to do the correct thing even if it’s unpopular. Hindi po popularity contest kung ano ang dapat gawin ng DFA pagdating po sa usaping national territory,” the presidential spokesperson noted.