Cataingan Port in Masbate damaged by earthquake

News

The Philippine Coast Guard (PCG) reported that Cataingan Port in Masbated was damaged by the earthquake morning of August 18.

PCG photo

“Nagbitak-bitak ang ilang bahagi ng Cataingan Port matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa Cataingan, Masbate kaninang umaga, ika-18 ng Agosto 2020,” PCG said.

Amid the damages, PCG said no one was hurt. “Sa kabila nito, ligtas ang lahat ng port personnel, tripulante, at mga mangingisda na nasa pantalan noong maganap ang insidente. Walang ring naitalang aksidente sa karagatan kasabay ng lindol,” PCG said.

“Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Cataingan Port habang nagpapatuloy ang safety assessment sa mga kritikal na bahagi ng pantalan,” PCG said. “Muli namang binuksan ang Cataingan Port para sa biyahe ng mga sasakyang pandagat kaninang alas dose ng tanghali.”

“Samantala, naramdaman rin ang malakas na pagyanig sa Coast Guard Regional Training Center sa Masbate kung saan nagsasanay ang 476 na female trainee ng PCG. Sa kabila nito, walang naitalang ‘casualty’ sa naganap na insidente,” PCG added. “Pagkatapos ng lindol, agad na bumuo ng Deployable Response Group (DRG) ang Coast Guard Station – Masbate para mapabilis ang pagresponde sa Cataingan Port at mga kalapit na lugar.”